Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nazario umakyat sa pro

0 138

LEVEL up ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario sa nangyaring balasahan ng isang team nang pumasok sa PBA at italaga bilang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma Dyip.

Kabilang siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach Johnedel Cardel.

Ang isa pa ay ex-professional player star Ronald Tubid na huling naglaro sa San Miguel Beer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinalitan nina Tubid at Nazario sina Hubert Delos Santos at Arthur Dela Cruz.

Si Nazario ang nagsilbing mentor ng La Salle Green Archers sa 82nd University Athletic Asociation of the Philippines (UAAP) 2019-2020.

Bagama’t may raket man sa pambansang liga, mananatili pa rin siyang assistant coach ng Taft-based hoopsters kasama ang pumalit sa kanyang si Frederick ‘Derrick’ Pumaren. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.