Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nayong Pilipino gagamitin sa pagbabakuna

0 58

Upang mapabilis ang pagbakuna sa mga Pinoy, gagamitin ng gobyerno bilang COVID-19 vaccination center ang isa sa ari-arian ng Nayong Pilipino Foundation.

Ito ang unang malaking venue na gagamitin ng pamahalaan para mapabilis ang pagbabakuna sa mga Pinoy.

Sinabi rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pumirma ng kasunduan ang Department of Tourism at si vaccine czar Carlito Galvez Jr. para magamit bilang bakunahan ang nasabing lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang una pong gagamitin na malaking stadium o malaking place ay ang Nayong Pilipino,” ani Vergeire sa isang ulat.

Kahapon, sinabi ni Galvez na balak gamitin ng gobyerno ang mga stadium at coliseum bilang ‘mega’ vaccination center para maabot ang target na 4 milyong bakunadong Pinoy kada buwan. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.