Una sa Balita

Nawa’y may nabago sa atin matapos ang Semana Santa

0 298

Natapos na naman ang isang Semana Santa. Balik ang takbo ng buhay ng bawat isa sa atin. Nawa ay nakapagtika at nakapagnilay-nilay tayo itong nakalipas na Holy Week.

Hayaan ninyong maging personal muna ang aking kolum sa araw na ito. Bagaman bitin ang dalawang araw na Hoky Week break, ginamit ko naman ito upang mag-soul searching ‘ika nga.

Nag-reflect ako sa aking personal na buhay at sa aking kasalukuyang karera. Lampas isang taon na ang nakalilipas, umalis ako sa aking dating pinagtatrabahuhan nang walang katiyakan kung saan ako malili­pat o mapupunta.

Naaalala ko lang noon, ang panalangin­ ko sa Panginoon, tatanggapin ko ang anumang ibigay niya sa akin.

Hindi ko na-imagine­ ang sarili ko na mapupunta sa Abante, o higit pa na maging sports editor. Siguro ito ang nais sa akin ng Panginoon.

The rest is history. Eto na ako, kaakibat ng trabaho ang pressure at mga pagsubok, na bahagi naman talaga ng buhay.

May mga pagkaka­taon na nais ko nang bumitaw, bumalik sa pagiging simpleng mamamayan.

Subalit ano ang halaga ng buhay kung takot tayo sa pagsubok.­ Sa pagbabago.

Dalangin ko, makalipas ang Holy Week, maging isang renewed person na ako, tayo. Magbago para sa kabutihan. The better versions of ourselves sabi nga nila.

Sana ay maging blessing ako at ins­pirasyon sa iba, sa mga taong nakakasa­lamuha ko.

Dalangin ko rin na malampasan ng bawat isa sa atin ang mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan ngayon.

Pinakamabisang paraan sa lahat ang panalangin. Muli, salamat sa iyo Panginoon at laban na po ulit!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy