Una sa Balita

Nawawalang tita ni Kim Jong-un lumutang

0 568

Nagpakita na sa publiko si Kim Kyong Hui, tita ni North Korean leader Kim Jong-un, at winakasan ang anim na taong haka-haka na pinatay siya ng huli matapos tulungang makuha ang yaman ng ama nito.

Naglabas ang state newspaper ng North Korea nitong Linggo, Enero 26, ng larawan na makikitang katabi ng tita ang asawa ni Jong-un na si Ri Sol Ju, sa isang Chinese New Year concert sa Pyongyang Theatre.

Nag-ugat ang alegasyon na pinatay si Kyong Hui matapos patayin noong Disyembre 2013 ni Jong-un ang asawa ng una na pangalawang opis­yal din ng North Korea na si Jang Song Thaek dahil sa katiwalian at pagtataksil. (RC)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More