Una sa Balita

Nawawalang Pinay hiker na-rescue sa bangin

0 365

ISANG Filipina hiker na nagbakasyon lang sa Honolulu, Hawaii ang nasagip ng mga search volunteer matapos biglaang mawala.

Ayon sa Hawaii News Now report, isang gabing nanatili sa bundok si Sheila Lim, 48, matapos niyang mawala sa Kuliouou Ridge Trail noong Sabado.

Ligtas naman umano si Lim nang matagpuan ng iba pang hiker at nagtamo lang ng mga sugat at pasa alas-11:30 ng umaga noong Linggo.

Kuwento ng pamil­ya ni Lim, pababa na sila ng bundok nang magkahiwalay sila noong Sabado. Nakita umano ng mga volunteer na sina Bill at Lisa Sandusky si Lim sa ibabang bahagi ng bundok kaya binigyan nila ito ng pagkain, tubig at spike para sa kanyang sapatos para hindi madulas.

Ang mga fire crew ang umalalay para maiangat si Lim sa landing zone sa Kuliouou saka siya dinala sa ospital.

Saad ni Lim, nahulog siya at tumama ang kanyang ulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy