Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nawawalang lasing, hinanap ang sarili

0 243

Isang lalaking lasing na naiulat na nawawala sa kagubatan mata­pos itong maglakad habang lasing ang natuklasang kasama pala ng mga naghahanap sa kanya.

Si Beyhan Mutlu, 50-anyos, ay napahiwalay sa kanyang mga kasama sa kagubatan sa Inegöl District, Northwest Bursa province ng Turkey.

Ini-report ng kanyang asawa at mga kasama ang pagkawala nito matapos na hindi ito makontak.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad at hinanap si Mutlu.

Subalit nang mahimasmasan si Mutlu at makita ang naghahanap na mga awtoridad, hindi sinasadyang napasama ito.

Nalaman lamang ni Mutlu na siya ang hinahanap nang simu­lang tawagin ng mga rescuer ang kanyang pangalan sa gitna ng kagubatan.

Laking gulat ng grupo nang sumagot ang isa nilang kasama na: Eto ako!

Pinag-iisipan pa ng mga awto­ridad kung kakasuhan ang lalaki. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.