Una sa Balita

Nawalan ng right of way dahil sa mga squatter

0 371

Dear Atty. Claire,

Gusto ko pong ihingi sa inyo ng kasagutan ang matagal na naming problema dito sa aming lupa sa tabi ng hiway na kung saan ay may squatter na nakatirik ang bahay sa harapan ng aming lupa bago makarating sa highway. Ang nasabing lupa ay pag-aari po ng aming mga magulang.

Noon ay wala pang bahay na nakatayo sa aming lupa subalit sa pagdaan ng mga taon ay unti-unti nang natatayuan ng mga bahay ng aming mga kapatid.

Ang bahay po ng squatter na nabanggit ay matagal nang nakatayo sa gilid ng hiway. Ang pro­blema po namin ngayon ay ang bahay ng aming kapatid na nawalan ng right of way dahil nga po nakaharang ang bahay ng squatter.

Ako po ay nakapagtayo rin ng bahay sa nasabing lupa, pero ako po ay walang problema dahil walang nakaharang sa may harapan na gaya ng sa kapatid ko.

May balita po kami na magkakaroon ng road widening sa hiway kaya ‘yun lang ang inaasahan namin na makapagpapaalis sa squatter namin. Pero ‘yun daw po ay matatagalan pa.

Minsan ay nailapit na ng aking kapatid ang nasabing problema sa aming barangay pero wala pong nangyari. Kinatigan ng barangay ang squatter sa di namin malamang kadahilanan.

Ano po kaya ang mabuti naming gawin para mapaalis ang squatter?

Lubos na gumagalang,
Alex ng laguna

Dear Mr. Alex,

HIndi naman dadami ang mga informal settlers kung ginagawa ng gobyerno lalo na ng mga local government unit sa pangunguna ni Mayor, ng Chief Ng Engineering Department at ng Buil­ding Officer ang itinakdang trabaho nila.

Sa RA No. 7279 o mas kilalang “Lina Law” ay hindi na dumami pa ang mga informal settlers at ang mga matagal ng nag-squat bago pa na 1995 ay mabibiyayaan ng benepisyo ngunit ang mag squat pagkatpos ng taon na iyan ay hindi na considered na bene­ficiary sa ilalim ng Lina Law. Ngunit dahil hindi naman nagtrabaho…. ginawa pang flying voters at pinatira sa lupa ng may lupa ng mga politiko na iyan.. dumami tuloy ang naging problema.. dahil sa marami ang informal settler.. dumami na rin ang pagtapon ng basura sa mga estero na nagiging sanhi ng baha.

Kung naka tayo ang bahay nila sa lupa mismo ng kapatid mo ay makipag-uganayan kayo sa Building Officer ng munisipyo niyo dahil alam naman nila na ang pagtayo ng structure ng walang building permit ay labag sa batas at tinituring na isang krimen na may penalty ng pagkakakulong.
Kung iyan naman ay sidewalk ay wala kayong karapatan na magpaalis kundi ang local government unit lang.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 89220245 o 85142143 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.Subabayan po ang ibang video ­tungkol sa batas sa aking youtube channel (Atty. Claire Castro).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More