Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nawalan ng career: Julia Montes minalas kay Coco

0 1,303

Ngayong 2020 nga pagbabalik sa telebisyon ng aktres na si Julia Montes matapos na magpahinga, mawala nang mahigit isang taon. Nagsimula na ngang iere ang kanyang teleserye na 24/7 nitong Pebrero 23 ngunit dulot ng pandemic ay naudlot ito at mas lalong hindi natuloy dahil sa problema ng network sa kanilang prangkisa.

Isa rin sa kanyang nakanselang proyekto ay ang Burado kung saan makakasama niya sana sina Nadine Lustre at Paulo Avelino. Kaya sabi nga, malas si Julia ngayong 2020. At sabi pa, mukhag minalas din si Julia kay Coco Martin, ha!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya ngayon ay ibinaling na lang niya ang kanyang oras at talento sa vlogging. Nag-post siya nitong Lunes ng pasulyap sa vlog niya with caption na “SOON.”

Maraming fan ang na-excite dahil sabik na sabik na talaga silang mapanood ulit ang kanilang idolo knowing na parang minalas ito sa kanyang comeback. (Athena Yap)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.