Una sa Balita

Nawala ang titulo ng lupa

By
0 249

Dear Atty. Claire,

Good am… mam ask ko lang po kung ano ang unang dapat na gawing hakbang pag po nawala ang titulo ng lupa?

Nawala po kasi ‘yung kopya ng titulo namin… hindi ko po alam kung kailan pa ito nawawala… Nu’ng magpapabayad po ako ng amilyar nu’ng March 16, 2016 ay saka ko lang po nalaman na nawawala na po pala sa lagayan ‘yung titulo ng lupa namin.

Ano po ba ang dapat kong gawing aksyon? Magkano po magagastos?

Umaasa po ako sa inyong pagsagot.

Salamat po.
— Myrna

Myrna,

Wala ka bang naiisip na maaaring kumuha ng titulo ng lupa ninyo? Medyo nakakaalarma iyan dahil baka kung saan na nagamit ng iba.

Unang-una na dapat mong gawin upang maproteksyunan kayo bilang may-ari ng lupa ay pumunta ka sa Register of Deeds kung saan nakarehistro ang titulo ng lupa ay kumuha ka ng certified true co­pies upang malaman mo kung may gumamit ba ng titulo mo para isanla ito ng hindi ninyo nalalaman o napeke na ang mga pirma ninyo. Kung mayroon mang nakagamit ng titulo ay agad na kumunsulta sa abogado para maipaglaban ang karapatan ninyo at mahabol ang titulong nawala sa inyo

Magpagawa ka kaagad ng Affidavit of Loss at ipa-annotate sa Register of Deeds na may sakop sa lupa. Kung makikita naman ang titulo ng hindi pa kayo nakakapagsampa ng Petition for Issuance of Owner’s Duplicate Copy of the Title ay maaaring gumawa muli ng Affidavit na nakita na ang titulo para muling mabawi ang alegasyong nawawala ito at muling isusumite ito sa Register of Deeds.

Kapag tuluyang hindi na ninyo makita ang titulo ay magsampa na dapat ng Petition for Issuance of Owner’s Duplicate Copy ng titulo sa korte na may sakop din sa lupa.

Ang magagastos ninyo ay depende po sa abagodo na hahawak kung magkano ang kanyang fee. Mayroon din po kayong babayaran na filing fee, publication expenses, atbp.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.