Una sa Balita

Navymen wasak sa Wrecking Balls

By
0 142

Nagsanib puwersa sina Berlin Paglinawan at Joven Camaganakan upang itaguyod ang Sta. Elena Construction sa kanilang unang panalo matapos pagpagin ang Philippine Navy, 25-20, 35-33, 21-25, 25-19 kahapon sa 2nd Spikers’ Turf Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Humataw ng 19 kills si National University star Paglinawan upang irehistro ang 23 points at ilista ang 1-2 karta ng Wrecking Balls.

Nagtala naman si Camaganakan ng 17 sa 60 kills ng Sta. Elena Construction para sa kanyang 20 markers habang may siyam na puntos si Peter Torres.

Ayon kay Sta. Elena Construction head coach, medyo nangangapa pa ang kanyang koponan dahil kalahati sa kanyang mga bataan ay bago.

Malulutong ang mga attacks ng Wrecking Balls dahil sa magagandang sets si Den Relata kaya naman sinamantala nila ang matamlay na depensa ng Navy.

May pitong aces din ang Sta. Elena Construction.

Lumaro sa Sailors sina Adamson stars Michael Sudaria at Dave Pletado na lumiban sa first two games ng Navy, pumalo ang duo sa kanilang eskuwelahan sa Intercollegiate tournament sa Baguio.

Nagpakitang gilas sina Sudaria at Pletado sa opensa at depensa.

Namuno sa opensa ng Sailors si Russel Palisoc na may 14 points, kumana si Sudaria ng 11 puntos habang 10 pts. si Pletado.

Wala pa ring panalo sa tatlong laro ang Navy at nanganganib na sila sa maagang bakasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy