Una sa Balita

Navy timbog sa droga

By
0 908

Arestado ang isang 33-anyos na aktibong miyembro ng Philippine Navy nang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang drug ope­ration sa Cavite City.

Nakakulong ngayon sa Cavite City Custodial Center ang suspek na si Shuvert Matias, kasalukuyang naka-assign sa Sangley Point, Cavite City, at residente ng Blk 16 lot 21, 1421 St., Villamor Airbase, Pasay City.

Sa report ni PO2 Elfe Galit ng Cavite Police Station (CPS), dakong alas-12:30 nang hatinggabi nang magsagawa ng illegal drug perso­nalities operation ang pinagsamang puwersa ng Cavite City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Intel Operatives ng Cavite City Police Station sa Brgy. 14 Miranda St., Cavite City.
Hindi pumalag ang suspek nang ito ay arestuhin at dalhin sa Cavite CPS para imbestigahan.