Una sa Balita

Navy pang-zumba rin

By
0 103

Sa pag-angkla ni Manila Marathon/Philippine Marine Corps Marathon women’s champion Melinda Manahan-delos Reyes, nakopo ng Philippine Navy ang titulo ng Philippine Sports Commission-Women In Sports/Sports for All Military Zumba Aero Exercises 2017 kahapon ng umaga sa Rizal Memorial Track-Football Pitch Stadium.

Nagposte ang Team PN ni VADM Ronald Joseph Mercado ng 92.4% sa 150-individual, 5-team, 1-day zumbathon festival.

Ayon kay PSC WIF/SFA Oversight Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram, ang event ay paraan ng national government sports agency para ma­bigkis ang mabuting samahan ng mga sundalo, pulis at bumbero, bukod pa sa mapasaya nila ang mga ito pansumandali mula sa kanilang maseselang trabaho.

Sumegunda ang Philippine National Police (90.4%) at tumersera ang Philippine Air Force (87.6%). Pang-apat at panlima ang Philippine Army at Bureau of Fire Protection.

Ang limang teams ay may tatlong buwang nag-practice ng zumba patungo sa culminating zumbathon fest.

Ang isang buwan lang na nagsanay na Philippine Coast Guard ang hindi lang nakasali sa okasyon, na tapos ng awarding ay nagkakaisang sinigaw ng lahat na magkaroon pa ng susunod na mga edisyon simula sa papasok na taon.

“Sa basbas ng aming (PSC) executive board sa pangunguna ni Chairman (William) Ramirez ipararating ko po ang mga kahilingan po ninyo,” tugon ni Kiram.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy