Una sa Balita

Navy commander, sibak sa binanggang warship

By
0 149

Sinibak ng US navy nitong Miyerkules ang dalawang top commander ng warship na nasangkot sa banggaan sa isang tanker sa Singapore noong Agosto.

Sa statement na ipina­labas ng Pacific-based US Seventh Fleet, tinanggal sina commanding officer Alfredo J. Sanchez at executive officer Jessie L. Sanchez ng USS John S. McCain.

“Both were relieved due to a loss of confidence,” ayon sa statement.

Noong Agosto 21, sumalpok ang guided-missile destroyer sa tanke­r habang naglalayag ito patungong Singapore.

Sampung navy ang namatay sa insidente habang lima ang sugatan at lumikha ng malaking butas sa hull ng destroyer ang salpukan.

Halos kasunod lang ito ng banggaan ng isa pang destroyer na USS Fitzgerald na sumalpok sa Philippine-flagged cargo ship na patu­ngong Japan noong Hunyo, kung saan pitong sailor ang namatay. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy