Una sa Balita

Navy chief sinibak sa P16B warship

By
0 88

Ilang buwan na lamang bago ang nakatakdang pagreretiro sa serbisyo ay pinalitan na sa puwesto Vice Admiral Ronald Mercado bilang pinuno ng Philippine Navy at humalili sa kanya si Rear Admiral Robert Empedrad.

Sumingaw kahapon ang pagsibak kay Mercado na ikinabigla naman ng mga mamamahayag dahil hindi ito inanunsiyo.

Base sa sources, biglaang pinababa sa kanyang puwesto si Mercado matapos igiit sa Department of National Defense ang pagbili ng Philippine Navy ng dala­wang modern warships o frigates na nagkakahalaga ng P16 bilyon.

Sinasabing ang pagbili ng frigates ay isa sa dalawang malalaking modernization project ng Armed Forces of the Philippines na pinondohan ng administrasyong Aquino.

Ipinahayag naman ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na ang pagpapalit sa puwesto kay Mercado ay base sa kautusan ni AFP chief of staff General Rey Leonardo Guerrero kasunod ng umano’y direktiba ng ‘higher authorities’ pero hindi na direktang tinukoy.

“The AFP Chief of Staff Gen. Rey Leo­nardo Guerrero has implemented the instructions from higher authorities to: Assign VADM Ronald Joseph Mercado to the office of the Chief-of-Staff, AFP on Special Duties; and install Rear Admiral Robert Empedrad as Acting Flag Officer-in-Command, Philippine Navy,” wika ni Arevalo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy