Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Navotas City Hall 7 araw pa lockdown

0 101

Isang linggo na namang walang magaganap na transaksiyon sa Navotas City Hall matapos palawigin pa ng pamahalaang lokal ang lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Sa Executive Order No. TMT-019 ni Mayor Toby Tiangco, lockdown ang city hall hanggang Marso 9 para makapagsagawa pa ng masusing disinfection.

Inilabas ng alkalde ang kautusan matapos mapag-alaman na may karagdagan 63 katao pa ang nagpositibo sa COVID-19 base sa isinagawang mass testing.

Una nang kinandado ang Navotas City Hall noong February 23 hanggang 28 makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 24 na mga kawani nito. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.