Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nausog na qualifier pabor sa Gilas 3×3

0 227

OPTIMISTIKO ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mas magiging mataas na tsansa ng binuong koponan nito para sa 3×3 Men’s Olympic Qualifying Tournament (OQT) qualifier dahil sa naganap na rescheduling para sa unang pagsasagawa ng event sa susunod na taon na Tokyo Olympics.

Sinabi ni Ryan Gregorio, Special Assistant to SBP president Al S. Panlilio, na malaking tulong para sa Gilas 3×3 team na nausog ang qualifying date sa Mayo sunod na taon sa Austria dahil mabibigyan nito ng mas mahabang panahon para makapaghanda ang apat na bumubuo sa koponan.

Your email address will not be published.