Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naulila sa Bukidnon chopper crash sasaklolohan ni Duterte

0 155

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng helicopter ng Armed Forces of the Philippines sa Bukidnon noong Sabado ng hapon na hindi sila pababayaan ng gobyerno.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, ipinaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawing sundalo na aniya ay mga bayani.

Sinabi ng Presidente na gusto niyang bumisita sa burol ng mga nasawi sa pag-aakalang nasa kampo pa ang mga ito subalit nalamang naiuwi na ang mga labi sa kani-kanilang pamilya.

SM food to go Banner Ad

“Let me express my deepest condolences sa mga asawa ninyo. May they rest in peace. Sa pamilya my message is hindi ko kayo pababayaan, you will not be abandoned. Aalalayan ko kayo ” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan ng parangal ang mga nasawing sundalo na Order of Lapu Lapu, isa sa pinakamataas na parangal na iginagawad ng Presidente ng bansa.

“Alam ko kung gaanong sakripisyo ng sundalo para sa bayan. They died heroes and we are giving them the one of the highest award sa Presidente–the order of LapuLapu,” dagdag ng Pangulo.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe sa bayan, hiniling ng Pangulo sa kanyang mga gabinete at sa publiko ang isang minutong dasal para sa mga nasawi sa helicopter crash. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.