Una sa Balita

Naulila ni Tanigue, nagpapasaklolo

By
0 1,461

Nangangailangan ng tulong ang mga naulila ni dating Philippine Basketball Association-Purefoods (Magnolia na) at National Collegiate Athletic Association-San Sebastian College Recoletos star guard Ulysses ‘Buboy’ Tanigue.

Ayon kahapon kay NCAA Management Committee-University of Perpetual Help System Dalta representative Francisco Gusi, nagpapatulong ang asawa ni Tanigue na si Emelyn Tanigue dahil sa laki ng kanilang ginastos sa ­ospital.

“They desperately need money because of the bills that mounted when Buboy (Tanigue) was hospitalized because of leukemia, they despe­rately need help,” saad ni Gusi, retiradong athletic director ng Baste.

Si Gusi ang athletic director noong nagla­laro pa si Tanigue sa Golden Stags.

Nagsabi na si Gusi sa mga kaibigan at kaki­lala nila na ipadala ang tulong sa Land Bank of the Philippines Puerto Branch-Cagayan de Oro City na nakapanga­lan kay Emelyn at may ­account number na 3537-0196-29.

“For those with ge­nerous hearts, please help Buboy’s family,” hayag ni Gusi.

Nakilala si Tanigue bilang starting guard ng San Sebastian team, kasama sa NCAA five-peat feat mula 1993-97. Naglaro rin siya sa Purefoods.

Namatay si Tanigue sa edad na 43 noong Linggo, Enero 28.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy