Una sa Balita

Natural Conditioning, Bench Workout parehong mainam sa mga panabong

By
0 721

Kanya-kanyang istilo ng paghahanda ang mga handler, may mga sinusunod silang proseso sa pagko-condition ng manok.

May handlers na gusto ay “Natural Conditioning” mayroon naman ang gusto ay Bench Workout.

Ayon sa mga napagtanungan ng Abante, mas marami ang bilang na pumapabor sa natural conditioning, katwiran nila hindi naman kailangan ng manok ng stamina at endurance dahil sa ilang segundo lamang ay maaaring magkatalo.

“Natural Conditioning” o “Rotation Method” ang mas mainam, ilagay lang natin sa cord, fly pen, running pen at scratch pen at kusa na silang gagalaw,” sabi ni Edgardo Capulong, 14 na taon nang handler.

Sinabi naman ni Carlito “Tisoy” Magbanua na taga-Pangasinan, bench workout ang paraan niya ng paghahanda sa manok dahil sakaling magbasaan sa laban ay may itatagal ang kanyang manok.

Ilan din sa mga napagtanungang sabungero, pareho namang maganda ang Natural Conditioning at Bench Workout, ang kailangan lang sa huli ay huwag sosobra dahil nakakasira din sa laro ng manok ang sagad sa training.