Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Natorete, kelot 2 ulit nagpaturok

0 134

NATURUKAN ng dalawang beses na magkaiba pa ng brand ng COVID-19 vaccine ang isang lalaki sa Zamboanga City.

Pero hindi sa magkahiwalay na araw kundi sa loob lang ng ilang oras!

Sa report, sinabi ng lalaki na hindi niya alam ang proseso sa vaccination site kaya nalito siya sa pila sa una at ikalawang dose ng bakuna.

Kwento ng lalaki na hindi muna pinangalanan, una siyang naturukan ng AstraZeneca.

Matapos noon ay ipinasa niya ang vaccination card sa isang staff, at saka siya tinurukan ulit kung saan Sinovac ang ginamit sa kanya sa pangalawa.

Sa ngayon, stable naman ang lagay ng lalaki pero hindi muna ito pinayagan ng Zamboanga City Health Office na pumasok sa trabaho. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.