Una sa Balita

Natitirang pondo ng DOH, DBM gamitin sa mga volunteer frontliner- Sen. Go

0 510

Kinalampag ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) at iginiit na gamitin ang available na pondo ng gobyerno para bigyan ng tamang benepisyo ang mga volunteer health workers na katuwang sa pagsugpo sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Sen. Go, marapat ding bigyan ng sapat na proteksiyon at kagamitan ang mga volunteer health workers para sa kanilang pagsabak sa trabaho.

“Despite being volunteers, they are professionals. Highly skilled sila at buhay nila ang nakataya para maprotektahan ang sambayanang Pilipino. Let us use the funds available to give them proper compensation and provide them with the tools, facilities and protection they need to resolve this health crisis,” sabi ni Sen. Go.

Sinabi pa ni Go na dapat ay bigyan ng contract service tulad ng job order ang mga volunteer health workers tulad ng tinatanggap ng mga regular government health workers.

“Kaya natin isinulong ang Bayanihan to Heal as One Act. Binigyan natin ng kapangyarihan ang Pangulo upang magamit ang pondo ng gobyerno para matulungan at madagdagan ang mga frontliners sa laban natin kontra COVID-19,” sabi ni Go.

Ang apela ay ginawa ni Go makaraang manawagan ang DOH ng mga volunteer doctors, nurses, nurse assistants, at hospital workers na handang sumabak sa ‘giyera’ kontra COVID-19..

Anang Senador, nagkaroon na siya ng inisyal ng discussion kina Budget Secretary Wendel Avisado at Health Sec.Francisco Duque III hinggil sa nasabing usapin na kanila naman sinasang-ayunan.

Bukod sa tamang benepisyo ay makakatanggap din ng hazard pay at additional risk allowance ang mga frontliner. (JNL)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More