Una sa Balita

Nationwide strike, tuloy!

By
0 4

Naka-amoy ang militanteng grupong Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper and Operators Nationwide (PISTON) na pinasasakay lamang sila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa isyu ng tigil-phaseout sa mga lumang pampasaherong jeep.

Ayon kay George San Mateo, national president ng Piston, hindi nila nakikita ang sinseridad ng LTFRB na tuparin ang pangakong hindi ipatutupad ang pag-phaseout sa mga public utility jeep (PUJ) na lagpas kinse anyos na ang tanda.

Matatandaang nagkansela ng 3-day transport strike ang mga transport groups sa pangunguna ng Stop & Go Transport Coalition, ACTO at Piston dahil sa pahayag ng ahensya na hindi na ipatutupad ang pagbabawal sa mga lumang jeep na pumasada.

Muling sumugod kanina sa tanggapan ng LTFRB ang mga militanteng tsuper at operators para kalampagin si LTFRB chairman Martin Delgra.

Sinabi ni San Mateo na posibleng isabay nila ang transport strike at tigil-pasada sa darating na Labor’s Day sa May 1.

Nanindigan si San Mateo na panloloko ang pahayag ng LTFRB na walang phaseout sa mga PUJs dahil hanggang ngayon ay walang ginagawang hakbang ang ahensya para kontrahin ang direktiba ng Department of Transportation (DOTr).