Una sa Balita

Nationwide Martial Law, malabo — DND chief

By
0 2

Pinawi ng Department of National Defense (DND) ang mga agam-agam sa posibilidad na ipatupad sa buong bansa ang umiiral na Martial Law sa Mindanao sa harap ng pinaplanong malawakang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa anibersaryo ng Batas Militar sa September 21.

Sa Mindanao hour sa Malacañang kahapon, sinabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana na siya ring administrador ng Martial Law sa Mindanao, malayong mangyari ang pinangangambahan ng ilang grupo.

Nilinaw pa ng kalihim na nangangamba lang si Pangulong Rodrigo Duterte na baka hindi makontrol ang mga ilalargang kilos protesta kaya nasabi nito sa nakalipas na talumpati na baka magdeklara ito ng Martial Law sa buong bansa.

Pero sa kasunod na panayam sa Pangulo, sinabi nitong posibleng magdeklara ito ng holiday at suspendihin ang pasok sa gobyerno para makaiwas sa gulo kapag hindi makontrol ang mga magdaraos ng kilos protesta.