Una sa Balita

Nationwide awareness sa iligal na droga itinulak

By
0 780

ITINUTULAK ni Senador Sonny Angara ang isang panukala na nag­lalayong bumuo ng nationwide education at awareness program sa iligal na droga.

Ito ay kasunod ng plano ng Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng mandatory drug test sa mga elementary student na tinutulan ng Department of Education (DepEd).

“We support the administration’s drive to suppress widespread use of illegal drugs through our education system.
Kung ang mga batang mag-aaral ay may sapat na kaalaman tungkol sa napakasamang epekto ng droga, malaki ang tsansa na maililigtas natin sila sa posibleng pagkalulong dito hanggang sa kanilang pagtanda,” saad ni Angara.

Alinsunod sa Senate Bill 311, iginiit ni Angara ang pagkakaroon ng nationwide education and awareness program sa iligal na droga na bubuuin ng DepEd.

Isasama ito sa K-to-12 curriculum o gaga­wing regular co-curricular activity o event sa lahat ng public elementary at high school.