Una sa Balita

Nationwide Angkas itinulak sa Kongreso

By
0 545

INAPRUBAHAN ng House Committee on Metro Manila Development ang isang resolusyon na nag-aatas sa Department of Transportation (DOTr) na iarya ang nationwide pilot run sa Angkas.

Sa loob ng dalawang linggo ay inaasahang makapagpapalabas na ng panuntunan patungkol dito.

Ang nasabing resolusyon ay napagkayarian sa ginanap na pagdinig kahapon ng House Committee on Metro Manila Development.

Pinangunahan ng chairman ng komite na si Quezon City Rep. Winston Castelo ang hearing at konsultasyon sa mga inimbitahang resource persons.

Kabilang sa mga humarap sa pagdinig sina Angkas Operations Head David Medrana at Regulatory and Public Affairs Head George Royeca, gayundin sina Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark de Leon, Manila Rep. Cristal Bagatsing, Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr., at iba pang mga kongresista.

Present din sina Cebu City Ma­yor Tomas Osmeña, Highway Patrol Group (HPG) spokesperson P/Supt. Oliver Tanseco at dating LTFRB board member Atty. Ariel Inton.

Si Rep. Bagatsing ang nagmungkahi ng resolusyon para sa nationwide pilot run ng Angkas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy