Ang mga miyembro ng 12-man national men’s indoor volleyball team na sina team captain Johnvic de Guzman, Mark Gil Alfafara ng Cignal HD, Alnakran Abdilla ng PAF, Bryan Bagunas ng NU, Bonjomar Castel ng Cignal HD, Herschel Ramos ng Cignal HD, Reyson Fuentes ng PAF, Greg Dolor ng FEU, Dave Cabaron ng SWU, setters Relan Taneo ng UPH, Geuel Asia ng DLSU, libero Jack Kalingking ng UPH at reserves John Carascal ng SWU at Peter Quiel ng FEU.

Kahit tuneup, ipinakita ng Philippine men’s volleyball team ang kanilang tikas matapos nilang ilampaso ang Macau, 25-16, 25-16, 25-15, kahapon sa Mall of Asia Arena.

Sinelyuhan ni Greg Dolor ang laro matapos ang combination play nito at irehistro ang siyam na puntos.

May nine points din si Bonjomar Castel habang nag-ambag si Alnakran Abdilla ng anim para sa national squad.

Nasiyahan naman si head coach Sammy Acaylar sa ipinakita ng kanyang mga bataan, malaking bagay umano ang panalo bago sila tumungo ng Korea sa July 22 para sa two-week training camp.

“Big help for big help for us kasi you know this is the first time nabuo ‘yung team.” saad ni Acaylar.

Si Ka Him Leong ang namuno sa opensa para sa Macau matapos ilista ang 10 markers.

Lalaro rin ang Nationals sa susunod na buwang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. 

SHARE