Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nationals amoy ang World Cup

0 151

Nagpaosk ng anim na goal ang Philippine National Women’s Football Team Huwebes ng gabi bago blinangka ang Indonosia, 6-0, upang magtala ng panibagong kasaysayan para sa Pilipinas at lumapit sa pinakaaasam na silya sa World Cup sa ginaganap na AFC Women’s Asian Cup sa Pune, India.

Inihayag ng Philippine Football Federation na unang pagkakataon ng Malditas na nakapasok sa quarterfinals o ang krusyal na knockout round matapos na angkinin ang ikalawang panalo sa pool play at okupahan ang ikalawang puwesto na kailangan para makausad sa quarterfinals.

Unang tinalo ng Malditas ang Thailand, 1-0, bago nabigo sa No. 11 sa buong mundo na Australia, 0-6. Ang panalo kontra Thais ay unang pagkakataon din ng pambansang koponan matapos ang mahabang panahon.

Uusad ang mga Pinay booters sa sunod na round na bitbit ang kabuuang anim na puntos mula sa tatlong laro na siyang pinakamaganda nitong pagpapakita sa kasaysayan ng Asian Cup. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.