Una sa Balita

National Supercross haharurot — Carapiet

0 325

KAABANG-ABANG na motocross racing ang dapat abangan sa pagbabalik ng Round 1 at 2 ng Namssa Philippine National Supercross Championships sa dara­ting na Nov. 10 sa Speedworld Circuit sa SM Bicutan Open Grounds, Doña Soledad Avenue sa Bicutan, Parañaque City.

Aarangkada ang mga champion racer sa pangunguna ni multi-titled Kenneth San Andres, Jethrick Marquez at Moymoy Flores at up-and-coming rider mula Visayas at Mindanao, sa karera kasama rin ang National Motorcycle Sports Safety Association (NAMSSA).

Ang mga event ay suportado ng Foilacar, Karcher, Monark Cat, Shell Advance, Shell V-Power, SM Bicutan, ICTSI, Maynilad, Asia Brewery, KYT, Alpinestar, Partas Bus, YSS, Shakey’s at 4 BROS Racing.

Pinangungunahan ni NAMSSA at FIM Asia President Stephan “Macky” Carapiet ang parehas na National Motocross Championship at FIM Asia Supercross Championship. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy