Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

National Sports Summit kinansela

0 58

Hindi muna magaganap dahil sa banta ng coronavirus ang nakatakdang National Sports Summit sa Baguio City.

Ang aktibidad na pinamamahalaan ng Philippine Sports Commission (PSC) na nakatuon upang malaman ang lahat ng mga kailangan para mapaunlad ng larangan ng sports at maitakda ang direksiyon tungo sa pagiging matagumpay ng bansa ay papalitan na lamang ng Sports Conversations 2021.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ito ay isang online sports lecture/forum na sumasaklaw sa mga pangunahing konsepto ng palakasan mula sa lokal na pangangasiwa hanggang sa mga internasyonal na ugnayan at interes.

Nilalayon nitong palakasin ang kahusayan at pag-unlad ng sports sa bansa na nagtatampok ng napapanahon at mga paksa na nakasentro sa sports bawat linggo.

Ang lingguhang online na kumperensya na ito ay bukas sa lahat ng atleta, coach, guro, tagapag-ugnay sa LGU, NSA at mga interesadong pampalakasan. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.