Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

National ID sasagip sa ekonomiya – Lacson

0 190

Kumpiyansa si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na malaki ang magagawa para bumilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kung maipatutupad na ang Philippine Identification System PhilSys Act o ang nationa ID.

Ipinahayag ito ng senador sa kanyang pagsasalita sa pangatlong taunang economic and political briefing ng Colegio de San Juan de Letran Graduate School.

“The lack of identification creates formidable barriers for the downtrodden and the poor, and creates even larger barriers between the government and the people. Hence, we should push for the implementation of the National ID if we want to further strengthen our response not only against the pandemic, particularly in the roll-out of the much-awaited vaccines, but in many of our future endeavors,” paliwanag ni Lacson.

Isa si Lacson sa mga may-akda at sponsor sa Senado ng PhilSys Act na kasalukuyan nang sinisimulang ipatupad ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Leave A Reply

Your email address will not be published.