Una sa Balita

National ID maraming benepisyo – Lacson

0 223

KUMPIYANSA si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na mas maraming maibibigay na benepisyo sa halip na parusa ang pagpapatupad ng National ID System.

Sa gitna ito ng pa­ngamba ng ilan na malalabag ang privacy ng taumbayan sa pagkakaroon ng National ID.

“As the author and principal sponsor of the measure in the Senate, I can say with certainty that the national ID system is more incentive based rather than punitive in its intent and purpose,” saad ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na bukod sa seguridad, makatutulong ang bagong batas upang mapabilis ang paggawad ng social services sa publiko.

Bukod pa rito ang pagpapabilis ng transaksyon ng bawat isa sa government agencies maging sa mga pribadong tanggapan.

“Having said that, more than the security and other similar considerations, this law is designed for the go­vernment to provide more efficient social services to our people, not to mention the convenience and ease that our people can transact business with government agencies as well as private entities,” paliwanag ni Lacson.

Tiwala si Lacson na kapag naipatupad ang batas ay mas mararamdaman na ng taumbayan ang ginhawang dulot nito.

“Once fully implemented, our people will appreciate how easy and convenient it is for them to deal with their day to day activities,” diin ng senador.
Target ng pamahalaan na simulan ang pilot testing ng National ID system sa Setyembre. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy