Una sa Balita

National Building Code, rerebyuhin ni Bong Go

0 364

ANG sunod-sunod na lindol at pagkasira ng maraming gusali sa Mindanao ang siyang nagtulak kay Sen. Bong Go para rebyuhin ang National Building Code sa bansa.

Nais matiyak ni Sen. Go na ­matibay ang mga gusali na ­itinatayo upang maiwasan ang pagbuwis ng ­maraming buhay at mapatawan ­naman ng ­karampatang parusa ang mga ­nagpapalusot na contractor.

“Aantayin pa ba natin na ­gumuho ang mga gusali at marami ang ­mamamatay, bago tayo kumilos” ani Sen. Go.

Nabatid na panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong itatag ang National Building Code sa ilalim ng Presidential decree 1096 para tiyakin na matibay ang mga ­ginagawang gusali.

“Huwag ng antayin pa ng mga building official na makasuhan sila dahil sa mahina na istraktura na ­itinatayo nila, dapat ay tiyakin na ­matibay ang mga itinatayo nilang ­gusali na kayanin ang malakas na ­lindol,” sabi pa ni Sen. Go.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy