Una sa Balita

National Artist kay Eddie isusulong nina Vilma, Lito, Tito

0 343

abante-i-know-better-jun-nardoPangungunahan nina Senador Lito Lapid, Senate President Tito Sotto at party-list Rep. Mikee Romero ang pagsusulong sa Senado upang hiranging National Artist si Eddie Garcia.

Si Congresswoman Vilma Santos-Recto ang unang nagsabing karapat-dapat bigyan ng rekognisyon si Tito Eddie bilang National Artist.

Sang-ayon naman si Cherie Gil sa panukalang ito.

“For me, he’s a national artist,” saad ni Cherie.

Para kay Christopher de Leon, dapat ibinigay na ang award kay Tito Eddie nu’ng nabubuhay pa siya.

Sa totoo lang, mailap sa ilan nating artista ang National Artist Award. May nagsulong na ideklara si Dolphy para sa award pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naigagawad sa kanya. Ganu’n din si Nora Aunor na ilang beses na-bypass para sa award.

Isang proseso ang pagbibigay ng National Artist award. Nasa kamay na ni President Digong Duterte kung pakikinggan ang sigaw ng showbiz industry na tanghaling National Artist si Manoy.

Samantala, nag-labas din ang R­egal Entertainment ng kanilang tribute kay Manoy Eddie na marami ring ginawang mo-vies under Regal Films.

Andrea bongga sa pang-aakit kay Derek

Pampainit sa tag-ulan ang Kapuso series nina Derek Ramsay at Andrea Torres, ang “The Better Woman”, na mapapanood na sa July 7.

Sa teaser, lumalabas na pole dancer si Andrea at mapanukso at mapang-akit ang bawat hagod niya sa bakal habang tinititigan ni Derek.

Kapwa loveless ngayon sina Derek at Andrea kaya kung madarag man sila sa init ng kanilang mga eksena eh, desisyon na nila ‘yon, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy