Una sa Balita

Nathalie, Mayank Sharma sa Australia ikakasal

By
0 1,110

Noong panahon ng Starstruck, na­ging malapit si Manay Lolit Solis kay Nathalie Hart at nagkasama rin sila sa ‘Startalk’ dahil nakasama ang sexy actress sa isang segment ng natigbak na showbiz talk show ng GMA 7.

Nang mag-announce si Nathalie noong Wednesday na four months pregnant na nga siya, isa si Manay Lolit sa mga pumunta.

Sa tsikahan nila, sinabi ni Nathalie na gusto niyang imbitahan si Manay Lolit sa wedding nila ng fiancé na si Mayank Sharma.

Sa Sydney, Australia magaganap ang wedding (wala pa raw exact date dahil a­ayusin pa nila ang papers) at gusto ni N­athalie na imbitahan si Manay Lolit.

“Sana, ‘Nay, makapunta ka!” sey ni Nathalie.

Parang pag-iisipan naman ni Manay Lolit kung a-attend nga siya sa wedding ni Nathali­e kay Mayank.

“Basta, masaya ako para sa ‘yo! Noon pa naman, gustung-gusto na kita! Natuwa nga ako nang magkita rin tayo sa Thailand nang sumali ka sa Survivor!” sey naman ni Manay Lolit kay Nathalie.