Una sa Balita

Nathalie Hart tumanggi sa abortion

0 459

Nagbalik na mas hot, fearless at mature and sexy ang actress na si Nathalie Hart. Super blooming ang new mom sa muling pagpapakita niya sa publiko para sa isang panayam sa beteranong entertainment host na si Boy Abunda.

Matatandaang inamin ni Nathalie noong June 2018 na siya ay nagdadalang-tao, kaya pansamantala siyang namahinga sa showbiz at piniling mabuhay muna sa India.

Super proud at masaya niyang ikinuwento na finally ay isa na siyang ina, kahit mayroong mga taong hindi siya sinuportahan sa kanyang pagbubuntis. Na kesyo mas mabuting mag-focus muna sa career at may nag-suggest pa nga raw na ipalaglag ang kanyang baby. Pero mas pinili nitong panindigan na maging isang ina at hagkan ang pagiging magulang.

“I would never do that, and when i found that I was pregnant, sabi ko, ‘I am a MOM!'” confident na pahayag ng aktres.

Hindi nga lang siya ang confident kundi pati mismo ang kanyang ina ay proud sa kanya sa pagiging matatag at sinabi pang “I’ll be here for you.”

Hindi rin naiwasan ng aktres na maging emosyonal sa pagkukuwento ng kanyang mga pinagdaanan. Inspirasyon daw niya ang kanyang ama na pumanaw na dahil gustong-gusto raw ng kanyang papa ang pangalang “Penelope” na pangalan nga ngayon ng kanyang baby girl. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More