Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nathalie Hart nandiri sa ‘car sex’

0 373

Nandiri si Nathalie Hart sa ideya ng “car fun” o pakikipag-sex sa loob ng sasakyan. Napa-yuck at “no”, “never” si Nathalie sa tanong ko kung nakaranas na ba sila ng “sex act sa loob ng sasakyan”.

Nakakagulat ang reaksyon ni Nathalie, na sinundan nito ng paliwanag na isa siyang romantic person at mas gusto niyang dalhin siya sa isang maayos na lugar, na may music.

Umamin naman si Sid Lucero na nagawa na niya ang car fun sa parking area, na inabutan daw sila ng malakas na ulan. Mainit ang deskripsyon nito sa experience.

Hindi pa nagagawa ni Cindy Miranda ang trip, pero bukas siya sa ideya.

Sagot naman ni John Arcilla, ginawa na niya ang lahat sa kung saan-saan, bukod pa sa car-fun.

Anyway, may ‘sex scene’ sa car sina Cindy at Sid sa “Reroute”, na mapapanood sa Vivamax sa Jan. 21, at dinirek ni Lawrence Fajardo. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.