Una sa Balita

Nathalie Hart ‘di na bet maghubad, makipaglandian

0 349

abante-anything-goes-jun-lalinNakabalik na ng bansa ang sexy star na si Nathalie Hart. Noong Sunday pa bumalik ng bansa si Nathalie kasama ang anak na si Penelope, pero wala pa raw siyang de-finite project.

Ayon sa manager ni Nathalie na si Leo Dominguez, dinalaw na raw siya ng kanyang alaga at isinama pa ang anak nito.
“Naghahanap pa ng yaya si Nathalie, so, hindi siya kaagad makakapag-work. Saka ayaw na niyang magpa-sexy!” sabi ni Leo.
Sabi raw kasi ni Nathalie, nanay na ito at hindi na bagay na magpa-sexy sa pelikula.
‘Yung pelikula nga raw na in-offer dito ni Direk Mac Alejandre ay hindi natanggap ni Nathalie dahil may kissing at bed scenes.
“Ayaw na ni Nathalie. So, wala pa siyang gagawin ngayon. Ang plano, tapusin nila ni Mariel (de Leon) ang “Barbara Reimagined” digital movie nila. ‘Yun pa lang sa ngayon dahil ayaw na nga niyang magpa-sexy, kaya namimili na siya ng projects,” sey pa ni Leo.
Pero sa totoo lang, kahit ayaw na ni Nathalie na magpa-sexy ay very sexy pa rin siya at parang hindi nga nanganak, huh!
***

Paulo Avelino nagpaiwan sa Belgium dahil kay Jodie Tarasek?

Bukas ang balik sa bansa ni Paulo Avelino mula sa Antwerp, Belgium kung saan ay kasama niyang nag-show doon si Angel Locsin at iba pang cast ng “The Ge-neral’s Daughter” ng ABS-CBN.

Kapamilya Fiesta World 2019 ang event doon ng TFC (The Filipino Channel) na pinuntahan nila.

Sabi, nag-extend ng two days sa Belgium si Paulo, kaya naunang umuwi ang mga kasama niya sa kanya.

So, kasama ba ni Paulo ang girlfriend niyang model na si Jodie Tarasek kaya siya nag-extend sa Belgium?

“Hindi!” ang tsika ng isang malapit sa aktor.

Kailangan na raw talagang umuwi ng bansa ni Paulo dahil sa Friday ay may taping na ang “The General’s Daughter.”

“Dapat noong Wednesday pa sila nag-resume, pero pack up ang taping, kaya nakapag-extend siya ng two days sa Belgium,” sabi pa ng taong malapit kay Paulo na nakatsikahan ko.

Going back to Jodie, may mga naniniwalang ito na ang babaeng pakakasalan ni Paulo.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy