Una sa Balita

Nathalie bawal magpakita ng boobs kina Zanjoe, Empoy

By
0 3,805

Mukhang nasobrahan ang pagpapa-sexy ni Nathalie Hart sa Sin Island movie nila nina Xian Lim at Coleen Garcia, kaya sa new Star Cinema movie niya kasama sina Empoy at Zanjoe Marudo, wala muna siyang kalandiang eksena.

Comedy kasi ang Kusina Kings nina Empoy at Zanjoe, kaya hindi puwedeng magpa-sexy muna ni Nathalie.

Bukod nga pala sa Star Cinema, interesado rin ang Viva Films kay Nathalie, kaya naman busy na rin siya ngayon at may series ding papasukan sa ABS-CBN.

Ang pagiging busy nga kaya ni Nathalie ngayon ang dahilan kung bakit may balitang hiwalay na siya sa kanyang secret lover na based abroad?

Leila kahanga-hanga ang ganda

Kasama sa new batch ng Star Magic talents ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid. Ini-launch na nga noong Sunday ang 2018 Star Magic Circle at marami ang napahanga sa beauty ni Leila na ang ina ay si Michelle van Eimeren na naging Miss Australia at sumali sa Miss Universe 1994 na ginanap dito sa ating bansa.

Sa pagpirma nga ni Leila bilang talent ng Star Magic na pinamumunuan ni Mr. M (Johnny Manahan), tiyak daw na bukod sa pagiging singer at MYX VJ ay pag-aartistahin din ang dalaga.

Sa nakikita ko rin kay Leila, mukhang enjoy naman siya ngayong abalang-abala na rin siya sa kanyang showbiz career!

Ang isa pang anak ng mga celebrity na ipinakilala bilang miyembro ng 2018 Star Magic Circle ay si Donny Pangilinan. Kilala na rin sa MYX cable music channel ng Skycable ang anak na ito nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa at hindi na rin matatawaran ang kanyang kasikatan dahil maraming kababaihan ang may crush sa kanya, huh!

Actually, ngayon pa nga lang ay inaabangan na si Donny ng mga fan sa pelikulang Walwal ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Noon nga, kapag nakakatsikahan ko si Mother Lily at nandoon si Donny, very vocal ang Regal producer sa pagsasabing, “Sisikat ang batang ‘yan!”

And knowing Mother Lily naman, hindi siya pumapalpak kapag sinasabi niya ang mga katagang ‘yon, ‘noh?