Una sa Balita

Natenggang infra project bawal na

By
0 333

INATASAN ng Malacañang ang mga ahensiya ng pamahalaan na tapusin sa takdang panahon ang mga ginagawang infrastructure project.

Ang direktiba ay nakapaloob sa memorandum circular no. 57 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayaw ng Palasyo na matengga at maantala ang mga ginagawang infrastructure project dahil sa posibilidad na maabala at maperwisyo ang mamamayan.

Saklaw ng nabanggit na direktiba ang mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC), Government Financial Institution (GFI), State Universities and Colleges (SUCs) pati na ang mga Lokal na pamahalaan.

Inaatasan naman ng Malacañang ang DPWH para siyang mangasiwa sa pagmomonitor hinggil sa compliance o pagtugon ng mga ahensiya sa kanilang mga ginagawang infrastructure project.

Ang memorandum circular ay nilagdaan ni Medialdea noong Pebrero 7 ng kasaluku­yang taon. ­