Una sa Balita

‘Natatae’ joke ni Kim ikinaloka ng madlang pipol

By
0 1,167

Naloka ang mga manonood sa ginamit na salita ni Kim Chiu sa It’s Showtime, sa segment na Tawag Ng Tanghalan.

Si John Lloyd Cruz kasi ang idol ng contestant na lalake. At ang One More Chance raw ang paborito niyang pelikula nito.

“The best movie ever!” hirit ni Kim.

Then, nagplano silang i-reenact ang mga eksena nina John Lloyd at Bea Alonzo sa Once More Chance. Si Kim ang gaganap na Basha (Bea), ang contestant na lalake si Popoy (John Lloyd), at si Vhong Navarro ang gaganap na Derek Ramsay. Si Ryan Bang ang naatasan nilang gaganap na Maja Salvador.

Nagbigay ng stiwasyon si Kim na dapat iarte ni Ryan. Humirit si Vhong na gusto niyang makita ang akting ni Ryan. Eh, ang itsura ni Ryan, para nga itong hirap na hirap.

“Eh, bakit parang natatae ka? Masakit ba tiyan mo?

Bigla nga niyang na-realize na tanghaling tapat, at marami ang kumakain nu’ng oras na ‘yon.

Humingi ang aktres ng paumahain sa mga viewer sa ‘di kanais-nais na salita na tanghalian pa man din.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy