Una sa Balita

Natakot sa resbak ng mga fan: Robin Padilla nilaglag ang KAPAMILYA

0 922

Ang manaig ang batas ang siyang laman ng ­posting ni Robin Padilla sa kanyang Instagram, sa kasagsagan nang malawakang panawagan sa hindi pagpapasara ng Kapamilya network.

Nakaposte sa IG ng aktor ang imahe ng hustisya at ang caption na “No man is above the law & no man is below it”.

Sa message caption, nagpahayag si Robin na walang dapat kili­ngan kaninuman sa mata at pagturing ng batas, mayaman man o mahirap.

“Mayaman o ­mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng batas dahil ang hustisya ay walang tinitingnan o tinititigan ang mali ay mali at ang tama ay tama walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag ­lumabag sa batas.

“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Diyos napakapambihira naman kung pati batas ng tao ay lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…” sabi ni Robin.

Si Robin ay isang Kapamilya artist kung saan naging coach siya ng “Pinoy Got Talent” at nagkaroon din siya ng serye na kasama sina Jodi Sta. Maria at ­Richard Yap.

Naka-disabled ang comment section ni Robin para maiwasan ang pananambang ng mga masasakit na salita mula sa netizen sa pos­ting niyang ito.

Marami kasi ang nagsasabi na nilaglag ni Robin ang kanyang pinagtrabahuhang esta­syon. Na sa halip na ­suportahan ito ­tulad nang ginagawa ­ngayon nina Coco, ­Angel, Regine, at marami pang iba, ibang-iba nga raw ang mensahe niya. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More