Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Natakot sa ngitngit ng mga fan: Toni napilitang sumuporta sa Kapamilya

0 803

Lumantad na si Toni Gonzaga upang manindigan sa pakikipagpalaban para sa ABS-CBN. Tila naalarma si Toni sa ngitngit ng mga kapwa nila Kapamilya star, na nangungunsensiya sa mga artista na yumaman dahil sa network, pero nananahimik sa ngayon.

Sa Instagram idinaan ni Toni ang kanyang mensahe at suporta sa Kapamilya.

“Everyday ang sakit magbukas ng viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin. Sa lahat ng nasa posisyon ngayon hindi namin makakalimutan ang ginawa niyo sa mga trabahador ng ABS-CBN. You may have the power now but it will not forever. I believe that no matter who the president is, JESUS is still the KING and He is the name above ALL names.”

Sinundan pa ni Toni ng comment na…

“This is not putting blame on people in position. This is a reminder to us that no matter who is in position. Jesus is still the King of Kings. This is to remind our Kapamilyas, there is hope. There’s still tomorrow. We will not forget what the people who have power did to us and we respect their decision with all humility. As one we will continue to stand up for our company who gave us so many opportunities to help our families. We don’t know what the future will bring. But we know, God is holding us in the palm of His hands.”

***

Sigaw ng KathNiel: ‘Ibalik ang ABS-CBN’

Umaasa si Kathryn Bernardo na may malaking impact at saysay ang rally na ginawa nila noong Sabado, para sa panawagang “Ibalik ang ABS-CBN”.

Kasama ni Kathryn ang kasintahang si Daniel Padilla. Sa Instagram post ni Kathryn a may larawan nila ni Daniel habang hawak ang placard, muli ay kinakausap niya ang istasyon.

“July 18, 2020. Ang daming nakipag-isa para sayo kanina – mga tao na natulungan mo sa iba’t ibang paraan. Narinig mo ba yung mga sigaw namin? Sana kahit paano nabigyan ka namin ng pag-asa. Kapit lang.”

‘Matanglawin’ ni Kuya Kim sibak na

Hindi na lilipad sa ere ang programa ni Kim Atienza na “Matanglawin” dahil binakbak na ito ng ABS-CBN. Sinagot ni Kim ang tanong sa kanya ng isang netizen kung kasama ba ang Matanglawin sa nasibak.

“Yes. All my staff have been retrenched. The 12 year old award winning @matanglawin is officially dissolved. We could not even say goodbye to you formally. God is good. It was a good 12 years. The Lord giveth, The Lord taketh away. Blessed be the name of the Lord!”

Jennylyn pinuri ni Sharon

Puring-puri ni Sharon Cuneta si Jennylyn Mercado sa pagsuporta nito a ABS-CBN.

“Salamat, Ms. Jennylyn Mercado. @mercadojenny Mabuti ka pa at ibang mga Kapuso, nakikiramay sa lungkot at pagluluksa naming mga Kapamilya. Sa industriyang ito, iisang pamilya at puso lang naman meron tayong lahat. Salamat sa pakikiisa mo, ninyo sa amin. Sana lahat katulad mo at ng iba pang Kapusong nalulungkot at dumadamay sa amin.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.