Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Natakasan bitay, killer sa saya namatay

0 129

Nakaligtas sa parusang kamatayan ang isang Iranian pero nang malaman niyang hindi na siya bibitayin ay sa sobrang saya naman siya namatay.

Kinilala ang akusadong biktima na si Akbar, 55-anyos, tubong Southern Iran.

Sa ulat ng lokal na pahayagang Hamshahri, inaresto si Akbar 18-taon na ang nakalilipas sa salang premeditated murder kung saan nahaharap siya sa bitay.

Nabatid na 37-anyos pa lang noon si Akbar ay kabado na siya sa death penalty matapos makapatay.

Pero sa report kamakailan ay pinatawad na siya ng pamilya ng kanyang natsugi kaya nalusutan nito ang sentensya.

Sa sobrang tuwa sa balita, inatake si Akbar at bago pa man nakalaya ay tuluyan ding nalagutan ng hininga. (Merque Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.