Una sa Balita

Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon

0 304

NANGAKO si French President Emmanuel Macron na muli nitong itatayo ang Notre Dame Cathedral sa loob ng limang taon matapos ang nangyaring sunog nitong Abril 15.

Napuruhan ng sunog ang bubungan ng 850-anyos katedral.

“We will rebuild the cathedral even more beautifully and I want it to be finished within five years,” pahayag ni Macron sa televised address to the nation, isang araw matapos ang pagsiklab ng sunog.

Naniniwala si Macron na kakayaning maibalik ang ganda ng katedral sa sama-sama nilang pagkilos.

“What we saw last night in Paris was our capacity to mobilise and to unite,” ayon pa kay Macron.

Kung nawasak ang bubungan ng katedral ng Notre Dame, nanatili namang nakatayo ang bell tower habang naisalba ang napakaraming mahahalagang art work ng mahigit sa 400 bumberong nagtulong-tulong na apulain ang sunog na tumagal ng 14-oras.

Samantala, habang nagdadalamhati ang bansa ay ilang bilyonaryo, kompanya at mga lokal na tanggapan ang kagyat na nag-alok ng tulong.

Sa loob lamang ng 24-oras mula nang sumiklab ang sunog ay umabot na sa $1.14 billion ang naipangakong tulong kabilang ang €500 million mula sa tatlong bilyonaryong pamilya na Kering, LVMH at L’Oreal.

Ayon naman kay Paris public prosecutor Remy Heitz walang nakitang indikasyon ng arson sa nasabing trahedya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy