Una sa Balita

Nasuba sa Bacolod? Wendell Ramos tikom ang bibig

0 589

Nanatiling tahimik at tikom ang bibig nung mga ­sinasabing hindi nabayaran na mga aktor, basketball player, sa ­nakaraang event sa Bacolod.

Nalantad ang isyu nang magreklamo ang babaeng ­organizer ng event dahil sa hindi pagbabayad umano ng isang konsehal na nag-isyu ng blank cheque para garantiya sa payment o talent fee ng mga artista.

Pina-Tulfo ni Norma (hindi tunay na pangalan) ang nangyari sa kanya at pinangalanan niya si ­Bacolod Councilor Victor Espino na siyang nag-isyu ng tseke.

Tinatayang mahigit sa P500,000 ang dapat daw na bayaran ni ­Bacolod Councilor Espino sa mga artist ng “Team Promdi”, pero hindi na ito nakipag-ugnayan pa kay Norma para palitan ang tsekeng inisyu nito na wala siyang signature o kaya ay ibigay ang nabanggit na full payment.

Sinubukan naming kunan ng pahayag ni Wendell Ramos sa pamamagitan ng direct message sa social media ­account nito, pati na ang komedyanteng si Gene Padilla sa mobile text message naman.

Pero habang sinusulat ang item na ito ay wala pang sagot ang dalawa na kabilang sa team na naglaro sa basketball event-game sa Bacolod, sa diumano’y pambabalasubas sa kanila.

Posibleng ginustong huwag munang magsalita ng mga naperhuwisyong star sa pag-asang makukuha pa rin nila ang kanilang talent fee kapag hindi sila sawsaw sa isyu.

Hahayaan na lang nilang ang nasabing organizer ang makipagbakbakan sa kanilang talent fee. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy