Una sa Balita

Nasindak sa tarot card na kamatayan

0 181

Mga ka-Misteryo nasubukan niyo na bang sumang­guni sa mga psychic para basahin ang inyong kapalaran? At nasindak kayo nang lumabas ang tarot card na kamatayan.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Minsan nagsimba sa Quiapo church si Leony­ ng Marikina at tiyempong unang Biyernes ng buwan kaya maraming tao at siksikan sa loob ng simbahan.

Pagkatapos ng Misa ay naglakad-lakad si Leony sa paligid ng Quiapo church at napukaw ng kanyang pansin ang isang tarot card reader para malaman ang kanyang kapalaran.

Matagal na rin siyang hindi nakapagpabasa ng kanyang kapalaran pero noon ay nasanay siya sa palm reading kaya’t ito ang unang pagkakataon na sa tarot card reader siya lumapit.

Tinignan niyang mabuti ang ginagawa ng tarot­ card reader lalo na ang pagbalasa ng mga card at nang buksan niya ang card na babasahin ay death card ang lumabas, nasindak at hindi makakibo si ­Leony sa nakita.

Nagtaka ang tarot card reader sa reaksyon ni Leony. Ito ang inusisa ng #TeamMisteryo.

Team Misteryo: Bakit ka natakot sa death card o kamata­yan sa tarot card?”

Related Posts

Leony: “Naki­ta ko na kasi ‘yung pagkakataon na ‘yun nang lumabas ang death card hindi ko maalala kung kailan.

Team Misteryo: “Saan mo nakita? Panaginip? O biglang nag-flash sa isip mo bago ito nangyari?”

Leony: “Sa panaginip ko nakita kaya’t nabigla ako at talagang natakot ako kasi kamatayan nga ang luma­bas. Mula noon hindi na ako basta makatulog sa takot na hindi na ako magising at ingat na ingat ako sa loob at labas ng bahay ko.”

Team Misteryo: “Nagka-phobia ka na pala. Hindi­ mo ba hinintay ang interpretasyon ng tarot card ­reader?”

Leony: “Kaya nga agad na nagsalita yung reader­ at sinabi niyang mali ang interpretasyon ko sa imahe ng kamatayan sa tarot card. Paliwanag niya hindi direktang kamatayan ko ang ibig sabihin nun kundi maaaring may ugali daw ako o habit ko na kaila­ngang mamatay o tapusin ko na. Puwedeng bisyo ko ‘yun na dapat nang tigilan.”

Baka lumabas din ang tarot card ng kamatayan kapag binasahan kayo ng psychic, mainam na hintayin ang kanyang paliwanag.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy