Una sa Balita

Nasindak sa higanteng naglalakad

0 488

MGA ka-Misteryo isang kuwentong karanasan ang ibinahagi sa #TeamMisteryo ni Jose ng Makati nang maispatan niya ang nagla­lakad na higante.

‘Yan ang ating mis­yon: “Kapag may Misteryo, alamin ang totoo!”
Katatapos lang maghapunan ni Jose at nanonood ng telebis­yon sa kanyang condo unit na nasa ika-10 palapag ng building nang may mapansin siyang kakaibang hugis na papalapit sa kanyang kinauupuan.

Nasindak si Jose nang makita niya ang isang higanteng paa na animo’y tatama sa kanya kaya’t umiwas siya at nahulog sa pagkakaupo sa sofa. Mabuti na lamang at hindi pisikal ang nakita niyang higanteng paa at transparent kaya’t tumagos lamang ito sa gusali.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo ang kanyang karanasan, kumbinsido si Jose na isa itong higante dahil sa sobrang laki ng paa.

Team Misteryo: “Para bang multo ang higanteng nakita mo o talagang nilalang na hindi lang pisikal ang kanyang katawan?”

Jose: “Mas bagay sigurong isalarawan siyang ethreal being na hindi talaga pisikal ang katawan. Natakot ako muntik na ako akala ko matatapakan ako.”

Team Misteryo: “Anong sa palagay mo ang hitsura niya base sa paniniwala ng mga matatandang Pilipino?”

Jose: “Para siyang kahitsura ng Angalo na sadyang sobrang laki at mas mataas pa sa mga gusali o bundok.”

Team Misteryo: “Ito ba ang unang pagkakataon mong makakita ng ganitong nilalang?”

Jose: “May nakita na ko noon na higante rin pero mas mababa sila kasing taas lang sila ng bubong ng bahay, pero ito sobrang taas niya. Kung puwede nga lang sana makunan sila ng photo gamit ang phone camera para makita ng lahat.”

Hindi maikakaila na narito pa rin sa paligid natin ang mga higanteng nilalang bagaman hindi natin sila makita sa pisikal na kaanyuan nila at tanging ang mga clairvoyant lamang ang may kakayanan silang makita.

Ke paniwalaan man natin o hindi ang ganitong kuwentong karanasan, lagi nating tandaan na marami pa ring Misteryo ang kailangang ungkatin para mapatunayang totoo. Maging bukas lang sana ang ating kaisipan.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, suhestiyon at katanungan, mag-email sa teammisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy