Una sa Balita

Nash nagpapatayo ng bahay sa Las Vegas

0 794

Ni Athena Yap

Isa sa pinakamalaking pangarap ng mga tao ay ang magkaroon ng sariling bahay. Mahirap i-achieve pero kakayanin. Siyempre sa ating mga celebrity, kung iisipin mo napa­kadali lang i-achieve niyan lalo na kung may pangalan na sila, at malaki na ang kinikita.

Pero sa totoo lang, hindi rin ganoon kadali makamit ang inaasam na sariling bahay dahil kailangan talaga ng sipag at tiyaga. Ilan sa ating mga celebrity ay nagbahagi sa kanilang social media na nagpapatayo sila ng bahay.

Una riyan si Julia Barretto, last year niya pa ibinahagi ang kanyang pinapatayong bahay na hanggang ngayon ay on going pa rin.

Sunod naman diyan ay ang komedyanteng si Wacky Kiray. Grabe! Ilang taon pa lamang nang magsimulang umusbong ang career ng komedyante, ngayon ay may patapos na rin siyang bahay!

Kung matatandaan niyo, nakilala ng sambayanan ang pagkatao ni Wacky sa game show dati na “I Can Do That.” Dito ipinakita ni Wacky ang kanyang humble beginnings. Marami siyang natulungan dito at winner siya!
Well, sunod-sunod talaga ang mga blessing sa komedyanteng ito dahil sa busilak niyang puso.

Another one na may bonggang pinatayo rin ay si Nash Aguas. Bongga lalo ang sa kanya dahil sa Las Vegas, Nevada ang pinatayo niyang bahay, ha! Kung sa Pilipinas ka pa nga lang magkaroon ng sariling bahay, bongga na, paano pa kung sa ibang bansa! Sobrang proud naman si Mika dela Cruz sa kanya bilang girlfriend at sinabing lagi lang siya nariyan sa tabi niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy