Una sa Balita

Nash nagpakita ng ‘anaconda’

0 489

Kuwelang-kuwela ang naging episode ng “Gandang Gabi Vice” nitong Linggo kung saan guest sina Nash Aguas at Jerome Ponce bilang promotion sa kanilang bagong pinagbibidahang primetime serye na “A Soldier’s Heart”.

Kakaiba ang naging gimik ng “GGV” para sa kanila sa larong “Sagot O Lagot” na katumbas ng “Truth or Dare”. Magbibigay ng katanungan si Vice Ganda sa kanila at kinakailangan nilang sagutin ito kundi ay may kapalit na dare na mababasa sa colored cards na nakalagay sa mesa.

Ang “sagot” ay nangangahulugang truth, habang ang “lagot” naman ay katumbas ng “dare”.

Unang hamon kay Nash ay dapat niyang i-text ang kanyang dyowa (Mika) ng “I think It’s over” kung sakaling hindi niya masagot ang tanong kung may nagawa na ba siyang any form of cheating.

At ayun na nga, sinubukan niyang sagutin ito pero hindi satisfied sina Jerome at Vice sa kanyang sagot kaya kailangan niyang tanggapin ang hamon na i-text ang dyowa ng “I think It’s over”.

Sobra-sobrang kaba si Nash bago gawin ito dahil nakakatakot daw magalit si Mika.

Nang ma-send na ang text, ‘di matawaran ang kaba sa itsura ng aktor. Agad nag-reply si Mika ng “Ha?” to which ay mas lalo siyang kinabahan dahil masama nga raw magalit ito.

Hindi pa agad nag-reply si Nash sa naging tugon ni Mika at hinintay ang iba pang magiging reaksyon nito.

Matapos ang isang round para kay Jerome, may tatlong message na pending agad si Mika para kay Nash.

“Ang taal? … Wala pa baliw! … End of the world?” nakakatawang tugon naman ni Mika.

Anyway, tila napuruhan nga sa gabing iyon si Nash dahil sa isa pang tanong ay muling napahamak si Nash. Ang hamon ay dapat siyang mag-twerk habang nakababa ang kanyang pantalon tuwing tutugtog ang kantang “Anaconda”.

Ang tanong naman ay “Sinong mas magaling na aktor? Si Gerald Anderson o si Joshua Garcia?”

Obvious na nahirapan si Nash sa tanong, hindi niya kayang sagutin ito dahil parehas niyang kaibigan ang mga ito. So sa kasamaang palad, kailangan niyang gawin ang hamon na nabanggit.

Bentang-benta sa lahat ng nasa studio ang pagbaba niya ng pantalon at pag-twerk na talagang sinulit ng DJ at panay patugtog ng “Anaconda”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More