Una sa Balita

Nasawi sa Sri Lanka Easter bombing pumalo sa 290

0 230

INALIS na ang malawakang curfew na ipinatupad sa Sri Lanka kahapon isang araw matapos ang serye ng pagsabog na ikinamatay ng 290 katao at ikinasugat ng 500 iba pa.

Hanggang ngayon ay wala pang umaako sa nangyaring pagpapasabog sa dalawang simbahan at apat na hotel sa Colombo, Sri Lanka.

Nabatid na nangyari ang pagpapasabog habang wala sa bansa si Sri Lankan President Maithripala Sirisena.

Gayunman ay agad itong nagpatawag ng pulong ng National Security Council na dadaluhan ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe.

Samantala, matapos alisin ang curfew ay agad na nag-uwian ang mga na-stranded sa airport.

Sa 290 kataong namatay, 32 dito ayon sa mga Sri Lankan official ay mga dayuhan na kinabi­bilangan ng British, US, Turkish, Indian, Chinese, Danish, Dutch at Portuguese.

May tatlo ring police officer ang kasama sa mga nasawi sa pagsabog nang salakayin ng security force ang isang bahay sa Colombo ilang oras matapos ang pag-atake.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy